Ruling ng UN Tribunal, walang epekto sa pagbalangkas ng Code of Conduct sa South China Sea dispute
Siniguro ng palasyo ng Malakanyang na walang epekto ang naging desisyon ng United Nations Tribunal sa napagkasunduan ng sampung leader sa ASEAN summit kaugnay sa pagbalangkas ng Code of Conduct sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, legally binding lang kasi ang ruling sa pagitan ng Pilipinas at China at hindi sa ibang bansa na claimant sa South China Sea.
Batay sa UN rbitral ruling mayroong exclusive sovereign rights ang Pilipinas at hindi nito kinikilala ang “nine-dash line” cliams ng China sa ilang pinagtatalunang isla sa South China Sea.
Binigyan diin ni Roque na dapat ay legally binding ang bubuoing Code of Conduct dahil kung hindi ay mababalewala lamang ito.
Sa katatapos na ASEAN Summit napagkasuduan ng mga ASEAN members at China na bumuo ng Code of Conduct na inaasahang magiging tulay para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.