WATCH: Bagon ng MRT train kumalas sa unang dalawang bagon; mga pasaherong sakay, naiwan sa riles

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2017 - 11:56 AM

PHOTO CREDIT: IVAN CABALLERO VILLEGAS

Kumalas ang huling bagon ng isang tren ng MRT mula sa unang dalawang bagon na kadugtong dito sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.

Ito ang naging dahilan kaya halos 30-minuto na ipinatupad ang limitadong operasyon ng MRT Huwebes ng umaga.

Sa post sa Facebook ng isa sa mga pasahero ng MRT na si Ivan Caballero Villegas, sakay siya kasama ang iba pang pasahero sa huling bagon ng tren, maayos itong umaandar nang bigla na lamang humiwalay ang kanilang bagon sa dalawang nauunang MRT coaches.

Naiwan ang sinasakyan nilang bagon sa riles habang patuloy na umandar patungong Ayala stations ang tren na dadalawa na lang ang bagon.

Sa video ni Villegas siya at ang mga kapwa pasahero ay napilitang bumaba ng coach at saka naglakad sa riles patungong Ayala.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nasa 130 hanggang 140 ang mga pasaherong naapektuhan.

Sinabi ng DOTr na wala namang nasaktan o nasugatang pasahero sa nasabing insidente.


 

 

 

TAGS: dotr, MRT coaches, MRT train, train system, transportation, dotr, MRT coaches, MRT train, train system, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.