Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Visayas
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Visayas na inuulan dahil sa Low Pressure Area.
Sa abiso ng PAGASA, mula alas 7:48 ng umaga ay yellow warning ang umiiral sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Samantala, sa Mindanao, itinaas din ng PAGASA ang yellow warning level sa Surigao Del Sur at Agusan Del Sur dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinapayuhan na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.
Pinapayuhan din silang magmonitor sa mga susunod na rainfall advisory na ilalabas ng PAGASA.
Una nang sinabi ng weather bureau na bagaman hindi pa nagiging ganap na bagyo ay magpapaulan na ang LPA sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.