P100 Million na tulong sa war on drugs ibinigay ng U.S
Sinabi ni U.S President Donald Trump na nagbigay ang kanilang pamahalaan ng P100 Million bilang ayuda sa war on drugs ng pamahalaang Duterte.
Maliban pa ang nasabing pondo sa naunang ipinanangakong P750 Billion o $14.3 Million na tulong partikular na sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa inilabas na pahayag ng White House, ang nasabing pondo ay gagamitin rin sa iba pang mga programa ng pamahalaan na sinusuportahan ng U.S government.
Nauna nang sinabi ni U.S President Donald Trump na mas naging mamalapit ang relasyon ng Pilipinas at U.S sa kanyang pagdalo sa katatapos na ASEAN Summit sa bansa.
Sa kanyang panig ay nagpasalamat naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naibigay na tulong ng U.S partikular na sa ilalim ng Trump administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.