Christmas weather sa bansa, naantala dahil sa monsoon break – PAGASA
Bahagyang nawala ang pag-iral ng malamig na panahon sa bansa na nararamdaman kasabay ng pagpasok ng Christmas season.
Ito’y bunsod ng tinatawag na “monsoon break” ayon sa PAGASA.
Sinabi ng weather bureau na babalik sa Sabado ang pag-iral ng “cold at dry air” na nagmumula sa China na siyang nagdudulot ng malamig na simoy ng hangin.
Sa Sabado ay inaasahan ang muling pag-iral ng northeast monsoon sa extreme weather Luzon.
Ayon pa sa PAGASA, simula sa Enero ng susunod na taon ay lubhang mararamdaman na ang “amihan” season sa Metro Manila.
Sa ngayon aniya, magdudulot ang northeast monsoon ng mahinang pag-ulan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan ngayon araw.
Samantala, iiral naman ang panaka-nakang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng flash floods at landslides sa Davao at Soccskargen regions dahil sa isang low pressure area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.