Magkakasunod na pagyanig naitala sa Negros Oriental, Zamboanga Del Sur at Davao Del Sur
Nakapagtala ang Phivolcs ng magkakasunod na pagyanig sa Negros Oriental, Zamboanga Del Sur at Davao Del Su, Miyerkules (Nov. 15) ng madaling araw.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.6 na Guihulngan, Negros Oriental, alas 2:39 ng madaling araw.
Matapos ito, sunod na niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Midsalip sa Zamboanga Del Sur, alas 3:56 ng madaling araw.
Ang ikatlong pagyanig ay tumama naman sa Sulop, Davao Del Sur na may lakas na magnitude 3.2 alas 4:58 ng madaling araw.
Wala namang naitalang intensities ang Phivolcs sa tatlong magkakasunod na lindol.
Wala ring inaasahang pinsala at hindi ito magdudulot ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.