U.S President Donald Trump nakaalis na sa bansa

By Chona Yu November 14, 2017 - 04:38 PM

File photo: U.S Embassy in the Philippines

Hindi na hinintay ni U.S President Donald Trump ang pormal na pagtatapos ng 31st ASEAN Summit sa bansa.

Base sa advisory na ipinalabas ng Manila International Airport Authority (NAIA), pasado alas-tres ng hapon nang umalis ang Air Force One sakay ang U.S President.

Hindi na dumalo si Trump sa 12th ASEAN-East Asia Summit.

Sa halip, pinadalo na lamang si U.S Secretary of State Rex Tillerson.

Sa kabuuan ay naging mahigpit ang ginawang pagbabantay ng U.S Secret Service at ng Presidential Security Group kay Trump.

Sa pagsisimula ng pormal na pulong sa Cultural Center of the Philippines ay sa employees’ entrance dumaan si Trum imbes na sa red carpet na dinaanan ng iba pang heads of states.

Pati ang kanyang hotel na tinuluyan at ilang lugar na pinuntahan ay naging sikreto sa publiko.

Bago dumating sa bansa noong Linggo ay dumalo rin si Trump sa APEC Economic Forum na ginanap naman sa Vietnam.

TAGS: air force one, duterte, trump. asean, air force one, duterte, trump. asean

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.