Case folders, kabilang sa naabo sa sunog sa Caloocan police station

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2017 - 11:50 AM

Inquirer Photo | Krixia Subingsubing

Tupok na tupok ang headquarters ng Caloocan police at halos wala nang mapapakinabangan sa mga gamit sa loob nito.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Ayon kay Caloocan City police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo, kasama sa nasunog ang case folders ng mga nakabinbing kaso ng deaths under investigation (DUI).

Tiniyak naman ni Modequillo na may kopya nito sa Northern Police District (NPD) dahil kamakailan lang ay nakapag-turnover sila ng kopya ng files.

Nasunog din ang mga motorsiklo at bisikletang nakaparada sa himpilan ng pulis.

Nagsimula ang sunog alas 4:30 ng ng umaga at bagaman naideklara itong fire out alas 6:04 ng umaga ay may nadidnig pa ding tunog ng mga bala habang nagsasagawa ng mopping up operations ang mga bumbero.

Isinailalim naman sa inspeksyon ng SOCO ang mga baril na narecover mula sa nasunog na police station.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Caloocan City Police, fire incident, Radyo Inquirer, Caloocan City Police, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.