Katahimikan sa mga pinag-aagawang teritoryo tiniyak ng China
Sinabi ng China na hindi dapat maging target ng U.S, Japan, Australia at India ang Beijing partikular na sa isyu ng agawan ng teritoryo.
Sa ginanap na ASEAN-China Summit, nanindigan ang China na magiging matahimik at walang paiiraling pamumulitika partikular na sa bahagi ng Asia-Pacific.
Nauna nang nanindigan ang India at U.S na tawaging “Indo-Pacific” ang nasabing rehiyon.
“The relevant proposal should be open and inclusive and should be conducive to the win-win cooperation and avoid politicising or excluding some relevant parties,” bahagi ng pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang.
Sa usapin naman ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, sinabi ni U.S President Donald Trump na nakahanda siyang mamagitan sa mga claimant countries.
Pero para sa China ay tatanggapin anuman ang maging deklarasyon ng ASEAN sa pagtatapos ng ilang araw na summit.
Nauna nang sinabi ng Beijing na wala silang balak manggagaw ng teritoryo kasabay ng paninindigan na sakop ng kanilang mga bansa ang mga nahagi ng karagatan na kanilang inokupahan.
Tiniyak rin ng nasabing bansa na mananatili ang katahimikan at kaayusan sa rehiyon partikular na sa larangan ng navigation and trade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.