Human rights issue hindi natalakay sa bilateral meeting nina Duterte at Trump

By Chona Yu November 13, 2017 - 04:06 PM

MPC pool photo

Umiwas si Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong ng foreign media kung tatalakayin niya kay U.S President Donald Trump ang usapin sa karapatang pantao.

Bago pa man nagsimula ang bilateral meeting nina Trump at Duterte kaninang tanghali ay tinanong na ng foreign media si Duterte sa naturang paksa.

Ayon sa pangulo, hindi siya sasagot sa anumang tanong dahil bilateral meeting ang ginawa nila ni Trump.

Sinabi pa ni Duterte na mamaya na lamang niya sasagutin ang naturang isyu kapag nagkaroon na siya ng press conference

Dagdag pa ng pangulo, may pag-uusapan sila ni Trump na mas mahalagang bagay na parehong may interes ang Pilipinas at Amerika.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na hindi nila ito tatalakayin ni Trump sa harap ng media na pawing mga espiya o spies.

Samantala, sinabi naman ni Trump na late daw ang media sa pagpasok kung kaya hindi nakuha ang pinakamagandang parte ng statement ni Duterte.

Ayon pa kay Trump nagustuhan din niya ang panahon o klima sa Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na base sa kanyang pakikipag-usap kay Trump, kinumpirma nito na kanyang pinakanta kagabi si Pangulong Duterte sa special gala dinner.

Ipinost pa sa Twitter account ni DPWH Spokesman Karen Jimeno ang maiksing video clip ng pagkanta ni Pangulong Duterte ng “ikaw.”

Sinabi rin ni Trump kay Roque na naging kaibigan na siya ng Pilipinas mula nang mahalal siyang pangulo ng Amerika noong Nobyembre at hindi naging kaaway gaya ni dating Pangulong Barack Obama.

TAGS: Asean summit, duterte, Human Rights, trump, Asean summit, duterte, Human Rights, trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.