Presyo ng gasolina, diesel at gaas muling tataas bukas

By Den Macaranas November 13, 2017 - 03:16 PM

Inquirer photo

Hindi napigil ng nagpapatuloy na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang panibago na namang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ng Department of Energy na ilang mga kumpanya ng langis ang magpapatupad bukas ng umaga ng dagdag singil sa ibinebenta nilang gasolina, diesel at kerosene.

Nananatili umanong malikot ang presyo ng mga petroleum products sa world market ayon sa pagmomonitor ng DOE.

Umaabot sa P0.95 ang magiging dagdag sa halaga ng gasolina kada litro, sa diesel at P0.60 samantalang P0.95 naman sa bawat litro ng gaas o kerosene.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-aanunsyo na magpapatupad ng dagdag presyo simula alas-sais ng umaga bukas ay ang Shell, Seaoil, Caltex, Jetti, Metro, PTT, Unioil, Pheonix Petroleum at Petron.

Noong nakalipas na linggo ay halos kahalintulad rin na halaga ang ipinataw na halaga ng ilang oil companies sa kanilang mga produkto.

TAGS: diesel, gaas, gasoline, oil price hike, diesel, gaas, gasoline, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.