Mga pulis at anti-Trump groups, nagka-giriian sa Maynila

By Cyrille Cupino, Ricky Brozas November 13, 2017 - 11:43 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Sugatan ang ilang pulis, makaraang mauwi sa giriian ang kilos protesta na isinagawang iba’t ibang grupo sa Taft Avenue sa Maynila.

Galing Liwasang Bonifacio, nag-martsa ang mga raliyista patungo sa bahagi ng Taft Avenue at tinarget na makalapit sa bahagi ng Roxas Boulevard partikular sa PICC.

Pero pagsapit pa lamang sa kanto ng Padre Faura Street hinarang na sila ng mga nakabarikadang anti-riot police.

Tinangka ng mga raliyista na magpumilit makausad dahilan para bombahin sila ng tubig ng mga pulis.

Anim na pulis ang nasugatan sa insidente.

Pinaalalahanan naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga anti-riot police na pairalin ang maximum tolerance.

Gayunman, binilinan din silang huwag mangiming arestuhin ang sinumang lalabag.

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-trump rally, Asean summit, NCRPO, Radyo Inquirer, anti-trump rally, Asean summit, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.