WATCH: U.S flags sinunog ng mga militante sa Liwasang Bonifacio

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas November 13, 2017 - 10:28 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Nagsunog ng mga bandila ng Amerika ang mga militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Sa pagsisimula ng ASEAN Summit ngayong araw, nagsagawa ng anti-Trump rally ang iba’t ibang militanteng grupo.

Gumawa pa ng malaking effigy ang grupo ni U.S. President Donald Trump na mayroong apat na braso at bawat isa ay may tangan nab aril, crane, pera at missile.

Sa likod ng malaking effigy ni Trump ay may maliit na effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinoprotesta ng grupo ang anila ay imperyalismo sa Estados Unidos.

Kabilang sa lumahok sa protesta ang League of People’s Struggle Asia Pacific at Anakpawis.

Matapos ang programa sa Liwasang Bonifacio nagmartsa ang grupo patungong Taft Avenue.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-trump rally, Asean summit, U.S President Donald Trump, anti-trump rally, Asean summit, U.S President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.