Walang banta ng terorismo sa bansa ngayong ASEAN Summit – PNP
Walang na-monitor na banta sa seguridad ang Philippine National Police ngayong ASEAN Summit 2017.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa, sa ngayon, wala silang namo-monitor na banta ng terorismo sa bansa.
Ayon kay Bato, tanging mga banta lamang ng mga kilos-protesta ang kanilang nalalaman.
Nangako rin ang PNP Chief na ito’y kanilang masusing babantayan upang hindi makalapit ang mga raliyista sa mga venue ng ASEAN.
Mananatili namang naka-full alert status ang PNP hanggang Miyerkules, November 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.