SSS loans at iba pang benepisyo, maari nang i-withdraw ng miyembro gamit ang UMID-ATM card
Maari nang magamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ang kanilang Unified Multi-purpose Identification cards (UMID) sa pagwi-withdraw ng kanilang mga loans at iba pang benepisyo sa mga Automated Teller Machines (ATM).
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, sa pamamagitan ng naturang programa, mapapadali ang disbursement ng mga benepisyo ng mga miyembro tulad ng disability; retirement; sickness at maternity claims; at member privileges tulad ng salary at calamity loans.
Magiging mas ligtas rin aniya ang paglilipat ng pondo at mapapadali ang proseso.
Sa loob lamang aniya ng 24 na oras matapos maaprubahan ang loan ay maari na itong i-withdraw ng isang miyembro.
“Doing direct transfer of funds for loans and benefit proceeds to the UMID card ATM accounts is safer and faster. It will eliminate the cost of printing and mailing of checks, as well as delay in the delivery of service due to postage time and lost checks. As soon as the loan is approved by SSS, it will only take at least 24 hours for our members to withdraw it from their bank accounts”, ayon kay Dooc.
Sa kasalukuyan, may apat na bangko na ang pumayag na ipatupad ang UMID-ATM project kabilang na ang Unionbank na nauna nang nagpasimula ng proyekto.
Sa kasalukuyan, may 34,000 miyembro ng SSS ang may hawak ng Unionbank of the Philippines ATM-enabled UMID card.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.