TINGNAN: Pangulong Duterte napakanta ng ‘Ikaw’ sa gala dinner

By Jay Dones November 13, 2017 - 01:07 AM

 

Twitter/@AttyKarenJimeno

Hindi nakaiwas sa buyo ni US President Donald Trump si Pangulong Duterte nang hilingin nito na siya ay kumanta sa special gala dinner para sa ASEAN delegates.

Sa isang video tweet ni Public Works Undersecretary Karen Jimeno na dumalo sa gala dinner sa SMX Convention, makikita si Pangulong Rodrigo Duterte na kinakanta ang huling bahagi ng OPM hit na ‘Ikaw’.

Naka-duet ng pangulo ang sikat na mang-aawit na si Pilita Corrales sa kanilang song number.

Pagkatapos ng awit, pabirong sinabi ni Pangulong Duterte na inatasan siya ng commander in chief ng United States na gawin ito.


Si Pangulong Duterte at ang Pilipinas ang nagsilbing host ng special gala dinner para sa mga bisita sa ika-31st ASEAN Summit na gaganapin dito sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.