Roxas, magsasagawa rin ng anunsyo hinggil sa kanyang running-mate

By Stanley Gajete September 17, 2015 - 05:35 AM

Mar-Roxas-0526Nakatakda namang magsagawa ng anunsyo si dating DILG Secretary Mar Roxas, hinggil sa kanyang magiging ka-tandem para sa 2016 Presidential Elections.

Ito ay matapos ideklara ni Senator Grace Poe ang kanyang hangaring kumandidato sa pagkapangulo na ganap ng nagsasara ng pintuan ng pangarap ni Pangulong Benigno Aquino III na tambalang Roxas at Poe,

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, posibleng isagawa ang anunsyo bago matapos ang buwan.

Matapos nito’y iraratipika na ng partido ang napiling makakasama ni Roxas.

Patuloy namang nakahanay sa pinagpipilian ng partido sina Camarines Sur Rep. Lenie Robredo, Sen. Alan Cayetano at Batangas Gov. Vilma Santos ngunit sa panayam ng Radyo a Inquirer kahapon Kay Rep. Edgar Erice, sinabi nitong dalawa na lang ang pinagpipilian, sina Cayetano at Robredo.

Sa kabila nito’y tanggap naman ng Partido Liberal ang desisyon ni Poe na maging kandidato rin sa pagkapangulo.

Inihahanda namang mabuti ng partido Liberal ang mga plataporma, na mas lalo nilang paiigtingin para sa kapakanan ng bansa.

TAGS: Roxaswillannouncehisrunningmate, Roxaswillannouncehisrunningmate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.