Free trade agreement sa pagitan ng ASEAN at Hong Kong, malaking tulong sa mga negosyanteng Pinoy
Tiniyak ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makikinabang nang husto ang mga maliliit na negosyante sa lalagdaang free trade agreement sa pagitan ng ASEAN at Hong Kong Special Administrative Region of China.
Ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo, higit na makikinabang ang mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa papamagitan ng nasabing kasunduan, tataas ang investment mula sa Hong Kong at lilikha ng dagdag trabaho para sa mga Pilipino.
Ang Hong Kong ang ikatlong pinakamalaking export market para sa mga produkto ng Pilipinas noong 2016 kung kailan ang halaga ng merchandise export ay umabot sa $6.62 billion.
Mayroon na ring free trade agreement sa pagitan ng ASEAN nations, New Zealand, Australia, China, India, at Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.