Drug war, hindi pag-uusapan nina Trump at Duterte
Hindi kasama sa mga pag-uusapan nina US President Donald Trump at Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit ang tungkol sa giyera kontra droga ng bansa.
Magaganap ang kanilang bilateral meeting sa Lunes, November 13.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatanggi si Pangulong Duterte na pag-usapan ang ilang isyung pambansa tulad ng drug war.
Tiwala naman anya siya na hindi kakalkalin ni Trump ang isyu lalo pa at nagpahayag ito noon ng pagsuporta sa giyera kontra droga ng administrasyon.
Ani Roque, malaki ang posibilidad na pag-usapan ng dalawang lider ang kasalukuyang sitwasyon sa Korean Peninsula at ang lumalalang banta ng North Korea sa rehiyon.
Naniniwala rin si Roque na pag-uusapan din ang mga isyu ukol sa mga pinag-aagawang West Philippine Sea lalo pa at interesado ang US na panatilihin ang freedom of navigation sa teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.