Hotels at iba pang mga lugar na pupuntahan ng ASEAN delegates off-limit sa publiko

By Den Macaranas November 11, 2017 - 01:39 PM

Inquirer file photo

Mahigpit ang kautusan ng National Organizing Committee (NOC) na huwag isapubliko ang magiging itinerary ng mga heads of state na dadalo sa gaganaping 31st ASEAN Summit sa bansa.

Kabilang na dito ang mga lugar na kanilang pupuntahan, mga hotel na kanilang tutuluyan pati na rin ang paliparan kung saan bababa ang mga eroplanong kanilang sasakyan.

Gayunman ay sinabi ng Clark International Airport Corporation na labingdalawang mga heads of state ang nakatakdang dumating sa nasabing paliparan para sa ilang araw na summit.

Kabilang dito sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung Sang Suu Kyi na nakatakdang dumating ngayong araw.

Kabilang naman sa mga kumpirmadong dadalo sa ASEAN Summit sa bansa sina United Nations Secretary General Antonio Guterres, U.S President Donald Trump, Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, Indonesian President Joko Widodo at Lao People’s Democratric Prime Minister Thongloun Sisoulith.

Kasama rin sa listahan ng NOC sina Malaysian President Najib Razak, Lee Hsien Loong ng Singapore, Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ng Thailand, Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ng Vietnam at Prime Minister Li Keqiang ng China.

Dadalo rin sa summit sina Australian Premier Malcolm Turnbull, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, European Council President Donald Tusk, India Prime Minister Narenda Modi, Russian Premier Dmitry Medvedev, Korean President Moon jae-in at New Zealand Premier Jacinda Ardern.

Si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kasalukuyang chairman ng ASEAN Committee ang mangunguna sa gagawing pulong.

Nauna nang sinabi ng pangulo na kabilang sa mga importanteng tatalakayin sa ASEAN Summit ay ang regional integration, pagpapalakas sa ugnayan sa kalakalan at ekonomiya pati na rin ang isyu sa West Philippine Sea.

Simula ngayon araw hanggang sa Miyerkules ay nakalatag ang mahigpit na seguridad sa mga pagdarausan ng pulong kasama na ang ilang mga pangunahing lansangan sa Pampanga, Bulacan at Metro Manila.

TAGS: Asean summit, Clark, duterte, heads of state, Metro Manila, Pampanga, summit, Asean summit, Clark, duterte, heads of state, Metro Manila, Pampanga, summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.