Pilipinas, pinuri ni Trump

By Kabie Aenlle November 11, 2017 - 05:29 AM

Pinuri ni US President Donald Trump ang Pilipinas dahil sa pagiging “regional leader” sa pagsasara ng gender gap sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan.

Naging bahagi ito ng talumpati ni Trump sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit.

Ayon kay Trump, laging napapasama ang Pilipinas sa listahan ng World Economic Forum ng top Asian countries na nagwawaksi sa gender gap.

Ani Trump, umusbong na ang Pilipinas bilang isang “proud nation of strong and devout families.”

Sa 11 magkakasunod na taon aniya ay nangunguna ang Pilipinas sa pagtanggap sa mga babaeng leaders sa larangan ng negosyo at pulitika.

Gayunman, hindi narinig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magagandang sinabi ni Trump tungkol sa Pilipinas dahil patungo siya noon sa isang bilateral meeting.

Dumalo si Duterte sa APEC Business Advisory Council at sa informal dialogue sa pagitan ng mga APEC at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders, pero hindi naman namataan sa alinman sa dalawa si Trump.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.