Pangulong Duterte, hindi dinaluhan ang gala dinner ng APEC Summit

By Rhommel Balasbas, Rod Langusad November 11, 2017 - 03:05 AM

Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner at cultural presentation ng Vietnam para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kagabi.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Ayon kay Roque, hindi dumalo ang pangulo bunsod ng dalawang mahalagang dahilan.

Una, ay dahil kailangan ng Pangulo na pangunahan ang ilan sa mga bagay na may kinalaman sa ASEAN hosting.

Ang ikalawa naman ay kailangan ding pamunuan ng Pangulo ang pagliligtas sa mga Vietnamese na nabihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Si Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano at ang kanyang asawang si Lani ang humalili sa Pangulo sa naturang event.

Matatandaang hindi rin nakadalo si Pangulong Duterte sa gala dinner ng APEC Summit noong 2016 sa Peru.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.