Mga raliyista at pulis, nagkagirian sa tapat ng US Embassy
Nagkagirian ang mga militanteng grupo at mga pulis sa ikinasang kilos-protesta malapit sa U.S. Embassy sa Maynila.
Sigaw ng grupo na i-ban o huwag hayaang makapasok ng Pilipinas si US President Donald Trump.
Ayon kay dating Congressman Teddy Casiño, isa sa mga kasali sa rally, mababa na ang trust rating ni Trump sa Amerika, at lalong kakaunti ang bilang ng mga Pinoy na naniniwala sa kaniya.
Ayon pa sa grupo, hindi ‘welcome’ si Trump dito sa Pilipinas dahil tinawag nila itong ‘pasista’.
Binanatan rin ng militanteng grupo si Pangulong Rodrigo Duterte na nagiging ‘tuta’ na rin umano ni Trump.
Isang namang rallyista ang sugatan matapos magkatulakan ang grupo at mga miyembro ng anti-riot police, pero hindi naman malala ang sugat nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.