Visa-free travel tungong South Korea, pwede na sa mga Pinoy

By Jay Dones November 10, 2017 - 01:31 AM

 

Maari nang makapasyal ang mga Pinoy sa South Korea nang walang visa.

Sa ulat ng Yonhap News Agency, inanunsyo nito ang kanilang visa-free travel para sa mga Pilipinong nais magtungo sa South Korea hanggang April 2018.

Gayunman, maaari lamang gamitin ng mga Pinoy ang naturang pribilehiyo kung ito ay papasok ng South Korea sa pamamagitan ng YangYang International Airport malapit sa Pyeongchang.

Layon ng naturang hakbang ng South Korea na palakasin ang turismo sa Pyeongchang na siyang venue ngayon ng 2018 Winter Olympics Pebrero.

Sa ngayon, wala pang direct flights mula sa Pilipinas tungong YangYang International Airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.