‘Salome’ lumakas pa habang tinatawid ang Cavite-Batangas area
Isa nang tropical storm ang bagyong ‘Salome’ at tinatawid ang lalawigan ng Cavite at Batangas .
Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa ibabaw ng bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 65 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 110 kph.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong West-Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang moderate to heavy rainfall sa 250 kilometrong diametro nito.
Nakataas pa rin ang Tropical Storm Warning Signal Number 2 sa:
Metro Manila,
Bataan,
Cavite,
Laguna,
Batangas at
Northern section ng Oriental at Occidental Mindoro.
Signal number 1 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng:
Bulacan,
Pampanga,
Southern Zambales,
Rizal,
Camarines Norte,
Camarines Sur,
Romblon,
Marinduque,
Quezon,
Rest of Oriental and Occidental Mindoro.
Inaasibuhan ng PAGASA ang mga nasa ilalim ng Signal Number 2 at 1 kabilang na ang Central Luzon na magin alerto sa posibilidad ng mga pagbaha at landslides dulot ng naturang bagyo./Jay Dones
Excerpt: Taglay ng bagyo ang moderate to heavy rainfall sa 250 kilometrong diametro nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.