Operasyon ng Angkas, ipinahinto

By Justinne Punsalang November 09, 2017 - 11:47 PM

 

Naglabas ng order of desistence at closure ang lokal na pamahalaan ng Makati patungkol sa operasyon ng Angkas Training Center.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Makati government, napag-alaman na walang kaukulang business permit ang Angkas na isang paglabag sa Revised Makati Revenue Code.

Ayon naman sa inilabas na order ng Makati, maaaring bumalik sa operasyon ang Angkas kapag nakapag-comply na ito sa naturang ordinansa.

Matatandaang ang Angkas ay isang uri ng app-based transportation services kung saan nagsasakay ng mga pasahero ang mga rehistradong motorsiklo na sa ngayon ay itinuturing na uri ng habal-habal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.