MPD, naglabas ng listahan ng mga alternatibong ruta para sa Roxas Blvd. sa ASEAN Summit

By Justinne Punsalang November 09, 2017 - 10:30 PM

Bilang tulong sa mga motorista ay nagbigay ang District Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District ng listahan ng mga kalyeng pwedeng daanan ng mga ito pamalit sa Roxas Boulevard sa ASEAN Summit sa darating na linggo.

Para sa mga motoristang dadaan sa southbound lane mula sa Bonifacio Drive, pwedeng kumaliwa ang mga ito sa Padre Burgos Avenue hanggang makarating sa destinasyon.

Pwede namang bagtasin ang Taft Avenue ng mga motoristang mula sa Jones, McArthur, at Quezon bridges.

Para sa mga westbound na sasakyan sa P. Burgos, maaring kumanan sa Bonifacio Drive o di kaya’y mag-U-turn sa eastbound lane.

Sa M. H. Del Pilar naman pinadadaan ang mga motoristang magmumula sa T.M. Kalaw at U.N. Avenue papuntang Roxas Boulevard, habang bukas rin ang Roxas Boulevard service road.

Sa mga pupunta ng Roxas Boulevard galing Quirino Avenue, maaaring dumaan sa Adriatico Street.

Samantala, sa F.B. Harrison naman pwedeng dumaan ang mga motorista galing P. Ocampo Street.

TAGS: alternate route, Asean, MPD, alternate route, Asean, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.