Number coding scheme, hindi sususpindehin sa ASEAN Summit
Paiiralin pa rin ang number coding scheme mula November 13-15 bagaman non-working holiday ang mga ito ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, sinuspinde ang mga pasok sa opisina at paaralan para lumuwag ang mga kalsada para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa mga naturang petsa.
Aniya bibigyang prayoridad ang mga delegado ng ASEAN at state leaders sa mga kalsada tungo sa pagdarausan ng ASEAN Summit.
Kaugnay nito, pinayuhan din ni Garcia ang publiko na iwasang pumunta sa malls malapit sa pagdarausan ng event para maibsan ang pagsikip ng trapiko.
Gaganapin ang ASEAN Summit sa Clark, Pampanga at sa Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.