HRW, hinimok ang mga world leaders na talakayin ang isyu ng human rights ng Pilipinas sa APEC at ASEAN

By Rod Lagusad November 09, 2017 - 04:18 PM

Nanawagan ang Human Rights Watch (HRW) sa mga world leaders na talakayin ang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas at ng iba pang bansa sa APEC at ASEAN summit.

Ayon kay HRW Asia Director Brad Adams na dapat pag-usapan ng mga lider ng mga bansa ang mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Aniya sigurado siya na may world leader na magsasabi kay Pangulong Duterte patungkol sa isyu ng human rights sa Pilipinas.

Una ng nanawagan ang HRW sa pamahalaan patungkol sa kampanya nito laban sa ilegal na droga at sa paglobo ng bilang mga napapatay sa mga police operations.

Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging pre-departure speech bago tumungo sa Vietnam ay kanyang sinabi na hindi niya hahayaan ang ibang mga world leader na dadalo sa APEC Summit na pagsabihan patungkol sa isyu ng karapatang pantao sa bansa.

Kasalukuyang nasa Vietnam si Pangulong Duterte para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Pagkatapos nito ay isasagawa naman sa bansa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit kung saan dadalo si US Donald Trump.

TAGS: apec, Asean, donald trump, hrw, Rodrigo Duterte, apec, Asean, donald trump, hrw, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.