U.S. Embassy sa Maynila, sarado bukas, Nov. 10
Sarado ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila bukas, araw ng Biyernes, November 10.
Ito ay dahil ginugunita sa Amerika ang “Veterans Day” na isang pista opisyal o holiday sa U.S.
Ang “Veterans” ay taunang ginugunita sa Amerika bilang pag-alala noong panahon na nagtapos ang World War I noong alas 11:00 ng umaga ng November 11, 1918.
Samantala, dahil maraming bahagi sa Roxas Boulevard ang maaapektuhan ng road closures para sa ASEAN Summit, sarado din ang U.S. Embassy mula November 13 hanggang November 15 o Lunes hanggang Miyerkules.
Ayon sa embahada, ang kanilang consular section ay sarado sa nasabing mga araw at wala silang tatanggaping visa appointments.
Ang mga mamamayan ng Amerika na mangangailangan ng emergency services ay maaring tumawag sa hotline ng U.S. Embassy na (63) (2) 301-2000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.