Singapore, pinakamagandang bansa pa rin para mamuhunan – World Bank

By Rhommel Balasbas November 09, 2017 - 03:51 AM

Nanatili ang Singapore bilang pinakamagandang bansa sa Asya kung saan magandang magnegosyo.

Ito ang lumalabas sa pinakabagong listahan na inilabas ng World Bank sa kanilang Ease of Doing Business List.

Ang Singapore ang nangunguna sa Asya at Top 2 sa buong mundo ay sinusundan ng South Korea.

Isinagawa ang pag-aaral mula June 2 noong nakaraang taon hanggang June 1 2017.

Kabilang sa mga salik na tiningnan ay tulad ng dali ng paglalatag ng negosyo, elektrisidad, contract enforcement, buwis at bankruptcy proceedings.

Ang Brunei, Thailand at India naman ang Top 3 improvers sa naturang tala.

Ang Japan na itnuturing bilang third largest economy sa buong mundo ay pang-34 sa ranking.

Samantala, pang-17 naman ang Pilipinas sa Asya at pang 113 sa buong mundo.

Itinuturing naman ang mga bansang Bangladesh, Pakistan at Myanmar na pinakamababa sa listahan sa buong rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.