Isang fighter jet ng Taiwan, nawawala

By Rhommel Balasbas November 09, 2017 - 03:48 AM

AP photo

Iniulat ng Taiwanese defense ministry na nawawala ang isa nilang Mirage -2000, isang uri ng fighter jet ng bansa.

Naputol ang komunikasyon ng fighter jet habang isinasagawa ang isang nighttime drill sa karagatang sakop ng Taiwan sa Hilaga.

Kasalukuyang isinasagawa ang search and rescue operations para sa piloto ng fighter jet na nakilalang si Ko Tzu-yu.

Si Ko Tzu-yu ay isa nang bihasa sa pagpapalipad ng aircrafts na nakapagtala na ng 700 oras ng flight time at lampas isang dekada ng miyembro ng air force ayon sa defense ministry.

Nagpadala na rin ng S-70C rescue helicopter, C-130 transport aircraft, anim na vessels para sa search and rescue operations.

Binili ng Taiwan ang 60 na Mirage – 2000 jets sa France noong 1990s sa kabila ng direktang pagtutol ng China na nagsasabing teritoryo nila ang Taiwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.