12 ang patay sa flash flood sa isang park sa border ng Utah at Arizona

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2015 - 08:20 AM

FB Chris and Lydia Wyler
FB post of Chris and Lydia Wyler

Patay ang labingdalawang katao kabilang ang mga bata matapos rumagasa ang tubig sa isang parke malapit sa border ng Utah at Arizona.

Ayon sa mga opisyal ng Utah sa Hildale City, kabilang sa mga nasawi ang aabot sa anim na bata at tatlong babae.

Namamasyal lamang sa parke na may malapit na creek ang nasabing mga biktima nang bigla na lamang tumaas ang tubig at sila ay matangay.

Dalawang sasakyan ang tinangay ng tubig baha, sakay ang labing anim na katao. Ang ibang sakay ay nagawang makalabas ng sasakyan.

Masyado umanong mabilis ang pagragasa ng tubig matapos makaranas ng malakas na buhos ng ulan sa Hildale.

Sa flash flood warning na inilabas alas 7:45 ng gabi, kabilang sa sakop ng babala ang Utah-Arizona, Hildale at Colorado City.

TAGS: flash flood in Utah-Arizona border, flash flood in Utah-Arizona border

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.