WATCH: Asec. Mocha Uson, nag-sorry sa mainstream media

By Chona Yu November 08, 2017 - 12:56 PM

Matapos ang sunud-sunod na pagbanat sa main stream media, buong tapang na nagpakumbaba at humingi ng tawad si Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson sa mga kagawad ng media na kaniyang nasaktan.

Sa kanyang post sa Mocha Uson Blog, sinabi nito na kung nakasakit man siya ng damdamin ng ilang mamamahayag, ito ay kaniyang ihinihingi ng dispensa.

Sinabi pa ni Uson na siya na ang lumalapit sa sa mainstream media kasabay ng paghingi ng pakikipag-tulungan sa mga ito para maayos ang bayan.

Paglilinaw ni Uson, hindi niya hinihingi na huwag batuhin ng kritisimo ang administrasyon kundi ang nais lang niya ay maging patas sa paglalahad ng mga balita.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Uson na hindi magbabago ang negatibo niyang pagtingin sa Rappler, Inquirer at ABS-CBN na aniya’y hindi niya tatantanan.

Kasabay nito’y nanawagan din si Uson sa mga ka-DDS o mga Duterte diehard supporters na ipagpatuloy ang pag-iingay at maipabatid sa buong mundo na maayos ang lagay ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.


 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asec Mocha Uson, mocha uson, Asec Mocha Uson, mocha uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.