Bonus at cash gift, matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno sa susunod na linggo
Matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang year-end bonus sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, sa November 15 ang release ng year-end bonus ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.
Inanunsyo ni Diokno ang magandang balita sa isinagawang press brieifing, Miyerkules ng umaga.
Maliban sa year-end bonus, tatanggap din sila ng P5,000 na halaga ng cash gift.
Ani Diokno, dahil ang November 15 na araw ng Miyerkules na isang non-working holiday dahil sa ASEAN Summit, maaring sa November 16 na makuha ng mga government employee ang kanilang bonus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.