LPA, binabantayan ng PAGASA sa Eastern Visayas, posibleng maging bagyo
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Eeastern Samar.
Ayon sa PAGASA weather forecaster Elvie Tan Enriquez, huling namataan ang LPA sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
May tansang na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at may tsansa rin na lumakas pa bilang isang tropical storm.
Papangalanan itong “Salome”, sa sandaling maging bagyo habang nasa loob ng bansa.
Makapagpapaulan na ang nasabing LPA sa Eastern Visayas, Caraga at Davao.
Habang intertropical convergence zone (ITCZ) naman ang umiiral sa Palawan at sa Mindanao at amihan ang namamayani sa Northern at Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.