Mga maliliit na bangka, pinaiiwas sa Manila Bay sa panahon ng Asean summit

By Jay Dones November 08, 2017 - 01:32 AM

 

Inabisuhan ng Philippine Coast Guard ang mga may-ari ng mga maliliit na mga bangkang pangisda na umiwas muna sa Manila Bay sa panahon ng ASEAN summit.

Ayon kay Commander Armand Balilo tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, maghihigpit ang Coast Guard sa pagbabantay sa karagatang malapit sa mga venue areas n ASEAN Summit upang matiyak na magiging maayos ang seguridad sa naturang mga lugar.

Paliwanag ni Balilo, magdedeploy sila ng mga tauhan sa karagatan sa bisinidad ng Baywalk sa Roxas Blvd., upang magsagawa ng patrol operations.

Bukod sa Coast Guard, magdedeploy rin ang Philippine Navy ng kanilang sariling personnel sa area.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.