Ilang tauhan ng Philippine Marines binigyang parangal ni Duterte

By Chona Yu November 07, 2017 - 08:16 PM

RTVM

Ginawaran ng iba’t ibang medalya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang miyembro ng Philippine Marines.

Gold cross medal ang iginawad ng pangulo sa mga nasugatan sa pakikipagbakbakan sa giyera sa Marawi City.

Ang gold cross medal ang ika-apat sa pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines.

Ilan din sa mga tauhan ng Philippine Marines ang nakatanggap ng silver at bronze cross medals.

Kabilang din sa mga binigyan ng medalya ng pangulo ang mga Marine personnel na nakipaglaban sa mga kalaban ng estado sa Patikul, Sulu at sa iba pang bahagi ng bansa.

Ibinigay naman ni Pangulong Duterte ang kanyang relo kay marine Major Jay Velatario bilang bahagi pa rin ng 67th anniversary ng Philippine Marines.

 

Photo: Chona Yu

TAGS: AFP, gold cross medal, marawi, Maute, Philippine Marines, Sulu, AFP, gold cross medal, marawi, Maute, Philippine Marines, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.