Cessna plane nag-crash sa lalawigan ng Aurora
Iniulat ng Operation Rescue and Coordinating Center (ORCC) ng Civial Aviation Authority of the Philippines na isang Cessna 152 type aircraft ang nag-crash sa bulubunduking bahagi ng Pantabangan, Aurora.
Naganap ang aksidente kaninang 12:30 ng tanghali kung saan ay isang instructor at student pilot ang sakay ng nasabing maliit na eroplano.
Sa paunang report na nakalap ng ORCC, galing ang bumagsak na Cessna 152 sa Lingayen airstrip pasado alas-diyes ng umaga.
Kaagad na nagpadala ng aircraft accident investigators ang CAAP sa lugar sa tulong ng 250th Wing ng Philippine Air Force.
Nag-deploy na rin ng dagdag na tauhan ang 48th Infantry Batallion ng Philippine Army sa crash site para sa gagawing rescue mission.
Hindi pa inilalabas ng CAAP ang mga pangalan at ang detalye ng kalagayan ng mga sakay ng bumagsak na eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.