Babaeng nag-‘dirty finger’ sa motorcade ni Trump, sinibak sa trabaho
Tinanggal umano sa kanyang trabaho ang babaeng siklista na nakunan ng larawan na nag-‘dirty finger’ sa motorcade ni US President Donald Trump.
Ayon sa alegasyon ng babaeng si Juli Briskman, 50-anyos, sinibak siya sa trabaho sa kumpanyang Akima LLC na isang government contracting company, matapos mag-viral ang kanyang larawan.
Matapos niyang mabatid na nag-viral ang kanyang pagdi-dirty finger sa convoy ni Trump, ginawa pang profile picture ni Briskman sa kanyang social media account ang viral photo.
Gayunman, nakarating sa kaalaman ng kanyang employer ang larawan, kaya’t agad siyang pinatawag ng kanilang human resources department at sinisante.
Diumano, itinuturing ng kumpanya na ‘malaswa’ o obscene ang kanyang profile photo na dahilan upang alisin siya sa tungkulin.
Gayunman, giit ni Briskman na hindi niya ginawa ang hakbang sa loob ng ‘working hours’ kaya’t hindi siya dapat sinibak ng kumpanya.
Gayunman, wala aniya siyang pagsisisi sa kanyang ginawang pag-dirty finger sa motorcade ni Trump.
Kanya lamang aniyang inihayag ang pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon ng Amerika sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Anim na buwan pa lamang sa trabaho sa naturang kumpanya si Briskman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.