Wanted na Chinese national nahuli ng Bureau of Immigration

By Alvin Barcelona November 06, 2017 - 05:01 PM

Inquirer photo

Ikinakasa na ng Bureau of Immigration ang deportasyon ng Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa economic crimes.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto nila ang suspek na si Lin Ayong sa Binondo, Manila matapos na itimbre sa kanila ng embahada ng China sa Pilipinas ang kasong kinasasangkutan nito.

Nakadetine ngayon si 54-anyos na si Lin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang summary deportation order ng Immigration Board of Commissioners.

Kinumpirma din ni Morente na kanselado na ng pamahalaan ng China ang pasaporte ni Lin.

Isinama na si Lin sa blacklist file ng Immigration Bureau at hindi na ito papayagang makabalik pa ng Pilipinas.

TAGS: chinese, lin ayong, chinese, lin ayong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.