Armadong lasing, arestado matapos mag-amok sa Tondo
Sa kulungan ang bagsak ng isang lasing na lalaki makaraang mag-amok sa 695 Laguna Exit, Brgy. 152, Zone 14, Tondo, Manila.
Arestado ng mga otoridad si Weng Angeles, 31 taong gulang, isang tricycle driver.
Ayon sa Jevie Delos Reyes, barangay kagawad, nasa loob siya ng barangay hall nang makatanggap sya ng reklamo mula sa mga concerned citizen na nagwawala ang isang lasing na may dalang bolo.
Dahil sa peligro na maaring idulot ng pag-aamok, agad na rumesponde si Reyes kasama ang iba pang barangay officials para pahupain ang tensyon.
Maayos naman na nakipag-negosasyon ang lasing at makaraan ang ilang minuto ay boluntaryo itong sumuko sa mga otoridad.
Ayon kay Angeles, nagdilim na lamang bigla ang kaniyang panigin dahil may kaaway sya.
Bukod dito, hindi naman na siya nakapagbigay ng ibang detalye.
Wala namang naitalang nasugatan sa pag-aamok.
Dahil sa kaniyang ginawa, mahaharap sa kasong breach of peace at illegal possession of illegal weapon ang naaresto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.