Word war sa pagitan nina Sen. Chiz Escudero at kampo ni Vice Pres. Jejomar Binay, umiinit

By Chona Yu September 15, 2015 - 08:34 PM

binay escudero
Inquirer file photo

Pumalag si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pahayag ng tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay nang tawaging ‘Kangaroo Court’ ang Senado dahil sa umano’y maling paghawak ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa mga anomalyang kinasasangkutan ng bise presidente.

Giit ni Escudero, ang pahayag ni Atty. Rico Quicho ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mataas na kapulungan.

Sabi pa ni Escudero, baka nakakalimutan ni Quicho na ang anak ni VP Binay na si Senator Nancy Binay ay bahagi ng Senado na tinatawag nyang Kangaroo Court.

Paglilinaw ni Escudero, hindi naman niya pinapasaringan si VP Binay ng kanyang purihin ang katapangang ipinakita ni Sen. Grace Poe ng dumalo ito sa Senate Electoral Tribunal o SET upang harapin ang naghain ng petisyon laban sa kanya.

Diin ni Escudero, wala siyang pinapatamaan kaya bato-bato sa langit kung sino ang masaktan, siya ang unang pipiyok.

Pinayuhan pa ni Escudero si Atty. Quicho na alamin sa records ng Senate kung ilang beses na inimbitahan si VP Binay para humarap sa pagdinig ukol sa mga kinakasangkutan nyang katiwalian pero ito ay inisnab lamang ng bise preisdente.

TAGS: escudero vs binay camp, escudero vs binay camp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.