Nais din ng pamahalaan na makamtan ng bansa ang “True Healing” o tunay na kagalingan sa mga sugat na idinulot ng korapsyon, iligal na droga, krimen at away-pulitika.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spoekesman Harry Roque na kaisa ang gobyerno sa pagtatamo ng paggaling ng bansa.
Anya, nananawagan ang administrasyong Duterte ng pambansang pagkakaisa upang mawakasan na ang mga problema nito.
Iginiit din ni Roque na nais ng gobyerno ng mas magandang ugnayan sa Simbahang Katolika at inirerespeto ang “Lord Hear Our Land Mass” na ginanap kahapon sa EDSA.
Hindi naman anya nababahala ang pamahalaan sa mga aktibidad na inoorganisa ng Simbahan tulad ng naganap kahapon na dinaluhan ng higit 5,500 katao.
Muling inulit ng tagapagsalita ng Pangulo ang naging pahayag noon ni Duterte na bibigyan ng kalayaan ang mga mamamayan na magprotesta dahil bahagi ito ng demokrasya.
Dagdag pa ni Roque, hinihimok din ng gobyerno ang mga lider ng Simbahang Katolika at ang mga mananampalataya nito na tulungan ang pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga partikular sa rehabilitasyon at pagbibigay lunas sa mga nalulong dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.