Trump, muling bumanat sa NoKor habang nasa Japan
Nasa Japan na ngayon si US President Donald Trump bilang bahagi ng kanyang halos dalawang linggong Asian Trip.
Sa mas tumitinding tensyon laban sa North Korea, hindi naman nagpapigil ang Pangulo ng Amerika sa muling pagbanat laban dito.
Anya, nakahanda ang Estados Unidos at ang mga kaalyansang bansa nito na depensahan ang kanilang mamamayan, kalayaan at ang kanilang bandila.
Ani Trump, saksi ang mga pangyayari sa nakaraan kung saan minaliit ng iba ang kakayahan ng Amerika ngunit hindi naging maganda ang resulta para sa mga kumalaban dito.
Ang pagtungo ni Trump sa Asya ay sa kasagsagan ng mga balita na nakahanda muling magsagawa ng isang missile launch ang North Korea.
Ang Japan at ang South Korea na mga kaalyadong bansa ng US ang unang pupuntahan ni Trump na kapwa nagtutulungan upang patigilin ang North Korea sa nuclear program nito.
Gayunpaman, hindi man ukol sa pamahalaan, iginiit naman ni Trump na nakikita niyang mabubuting tao ang North Koreans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.