‘Walang gobyernong forever. Walang politikong forever. God lang ang forever’-Arch. Villegas
Pinangunahan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang misa sa pagsisimula ng ‘Lord Heal Our Land Mass’ Linggo ng hapon sa EDSA Shrine.
Bahagi ang misa ng panawagan ng Simbahang Katolika na simulan na ang ‘healing’ o pagpapagaling muli ng bayan mula sa gabi-gabing patayan na nagaganap sa bansa.
Panawagan ni Villegas, dapat nang magbalik-loob ang lahat sa Panginoon matapos itong maligaw ng landas.
Dagdag pa ni Villegas, may karampatang sumpang parusa ang bayan na pumapatay sa sariling mga kababayan.
Nanawagan rin si Villegas sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa oposisyon na magbalik-loob na sa Panginoon at ihinto na ang mapanirang uri ng pulitika.
Ang kapangyarihan aniya ay nakaatas sa taumbayan at hindi sa may hawak ng kapangyarihan.
Giit pa nito, “Walang gobyernong forever. Walang politikong forever.
God lang ang forever.”
Samantala nanawagan naman ang Arsobispo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na magbagong-buhay na hangga’t may panahon pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.