15 kabahayan, natupok ng sunog sa Bacolod

By Justinne Punsalang November 05, 2017 - 03:53 AM

Tinupok ng apoy ang 15 kabahayan sa Barangay Mansilingan sa lungsod ng Bacolod, lalawigan Negros Occidental.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), labindalawa sa mga bahay ang ikinonsiderang totally destroyed, habang tatlo ang partially damaged.

Posible umanong nagsimula ang sunog sa faulty electrical wiring batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP.

Sinegundahan naman ito ng mga kawani ng Barangay Mansilingan. Anila, walang sariling kuntador ang mga residente sa lugar, dahilan para maki-konekta lamang ang mga ito sa may lehitimong koneksyon sa kuryente.

Tinatayang nasa P300,000 ang kabuuang pinsala sa naturang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.