Canadian PM Justin Trudeau, dadalo rin sa ASEAN summit
Kabilang na sa mga world leaders na nakatakdang dumalo sa ASEAN Summit sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Ito mismo ang kinumpirma ng gobyerno ng Canada.
Sa isang press statement, sinabi ng gobyerno ng Canada na makikiisa si Trudeau sa Canada – ASEAN commemorative summit upang tingnan ang kalagayan ng relasyon ng kanilang bansa sa sampung bansang kasapi ng ASEAN.
Ayon naman kay Trudeau, nais niyang mapabilang ang lahat ng sektor, mapa-kababaihan, mga kabataan at mga katutubo sa mga oportunidad na hatid ng global economy.
Nais din ng opisyal na makinabang ang nasa “middle class” sa pagpapatuloy ng kanyang bansa sa paghahatid ng progresibong mga programang pangkalakalan.
Ang Canada ay dialogue partner na ng ASEAN sa loob ng 40 taon.
Bago tumungo pa-Maynila, dadalo muna si Trudeau sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Da Nang, Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.