Seguridad sa Bar exams sa UST bukas, kasado na

By Kabie Aenlle November 04, 2017 - 04:46 AM

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na kasado na ang magiging seguridad sa paligid ng University of Sto. Tomas (UST) bukas para sa pagsisimula ng Bar examinations.

Bukas, November 5 ang magiging unang araw ng Bar exams para sa mga nais maging abogado, na gaganapin sa loob ng apat na Linggo ng kasalukuyang buwan.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, inatasan na niya si Manila Police District director Chief Supt. Joel Coronel na mas padamihin pa ang mga ipapakalat na pulis sa paligid ng UST.

Ito aniya ay upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga kukuha ng Bar exams, pati na sa kanilang mga kasama.

Layon aniya nilang maging “trouble-free” ang Bar exams ngayong taon tulad ng nangyari noong nakaraang taon.

Ayon kay Coronel, aabot sa 775 na pulis ang ipapakalat sa loob at labas ng UST campus para bukas.

Magpapatupad rin ng liquor ban sa mismong araw ng Bar exams upang maiwasan ang gulo.

Samantala, ire-reroute naman mula 4:00am hanggang 7:00am at 4:00pm hanggang 7:00pm ang trapiko sa lane ng papuntang Quiapo sa España Boulevard.

Ipagbabawal naman ang parking sa mga kalsada sa paligid ng UST tulad ng España, Dapitan, P. Noval at Lacson.

Kabuuang 7,227 ang bilang ng mga inaasahang kukuha ng Bar exams ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.