Lockdown, ipinatupad sa White House

By Kabie Aenlle November 04, 2017 - 12:39 AM

(AP Photo/Susan Walsh)

(UPDATE) Isinailalim sa lockdown ang White House, habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang tao matapos ang mga ulat ng kahina-hinalang aktibidad sa kahabaan ng North fence line ng complex, Biyernes ng umaga.

Ayon sa U.S. Secret Service, dakong 9:24 am ay lumapit ang lalaking nakilalang si Ervin Pettaway, sa kanilang Uniformed Division Officer na nagpapatrulya sa north side ng Pennsylvania Ave. malapit sa Lafayette Park.

Sinabi ni Pettaway sa officer na naglagay siya ng pampasabog sa lugar, kaya agad siyang hinuli nito.

Dahil dito, isinara sa pedestrians at sa mga motorista ang Pennsylvania Ave. at Lafayette Park malapit sa White House.

Pinakalat ang mga Secret Service K-9 at Metropolitan Police Department Explosive Ordnance Division (MPD EOD) para suyurin ang paligid ng naturang lugar.

Natagpuan nila ang cellphone na iniwan ni Pettaway, pero wala silang na-detect na anumang pampasabog sa lugar kaya naideklara din itong cleared pagdating ng 10:23 ng umaga.

Maging ang mga mamamahayag at mga staffers ay pinagsabihan na huwag munang lumabas sa White House habang nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Nangyari ang insidente ilang minuto lang matapos umalis si President Donald Trump sa White House para sa simula ng kaniyang Asian trip.

Kinasuhan ng isang count ng felony threats si Pettaway na sa ngayon ay hawak na ng MPD Second District para maisailalim sa mga kaukulang proseso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.